Wednesday, June 13, 2012

Sa Likod ng Magandang Mayon: Pagkilala sa Cagsawa

Bata pa lamang ako, madalas ko ng marinig ang mga bagay-bagay tungkol sa bansa. Laging ipinagmamalaki ng aking mga guro ang kagandahan ng mga tanawin tulad ng Chocolate Hills sa Bohol, Pagsanjan Falls sa Laguna, Bulkang Mayon sa Albay at napakarami pang iba. Sa lahat ng tanawing iyon, lubos na naka-agaw ng aking atensyon ang Bulkang Mayon. Bakit? Dahil ayon sa nakararami, talagang kahanga-hanga daw ito dahil sa perpektong hugis at napakalaking sukat.

Noong una, hindi ko talaga pinaniniwalaan na ang bulkang iyon ay may perpektong katangian dahil ayon nga sa kasabihan, - “Nothing on earth is perfect”. Naghanap ako ng mga larawan nito, talaga ngang napakaganda at napakaperpekto ng hugis. Hindi ko maiwasang isipin na edited ang mga iyon. Mabuti na lamang at nagkataong lilipat sa Albay ang lolo ko. Kaya naisipan kong sumama dahil pagkakataon ko nang makita iyon sa personal. Hindi ko mapigilang mapabilib sa aking nakita, kahit sa panaginip, hindi ko na inasahang makita iyon sa malapitan. Sadyang napakaperpekto ng hugis nito, animo’y isang apang naninigariyo sa kapal ng usok na ibinubuga nito.

Bigla tuloy akong napaisip tungkol sa usok na mula dito, nakasasanhi din kaya ito ng polusyon na nakasisira ng kalikasan at nakapag-papanipis ng ‘ozone layer’? Maaari kayang ang gawa ng kalikasan ang siya mismong makasisira ng kalikasan? Ang usok kayang iyon ay maihahalintulad sa usok na mula sa mga pabrika, sasakyan, sigarilyo at iba pa? Sa patuloy kong pag-iisip, napailing ako at natawa sa aking sarili…

Muntik ko ng makalimutan na ang polusyon pala ay may kemikal na nakasasama sa kapaligiran, saan naman kukunin ng bulkan ang gayong kemikal? Hindi ko agad naisip na ang usok mula sa bulkang iyon ay isang lava na maaring ihalintulad sa galun-galong pinapakuluang tubig. Siguro nga ay perpekto ang Mayon. Hayyy… Perpekto nga ba? Bakit kaya ganito ang aking nararamdaman tuwing iisipin kong perpekto ang Mayon, parang may kumokontra sa aking isip at sa tingin ko, kailangan kong malaman kung bakit at ano ito.

Ilang minuto ang lumipas, nakaramdam ako ng antok, nagpasya akong umidlip sa loob ng aming sasakyan. Inilapat ko ang likod sa upuan at ipinikit ko ang aking mata… Maya-maya, ano ito? Bakit napakaraming tao ang nagtatakbuhan? Sila ay mga naka-saya at kamiseta. Napakaraming tao ang sugatan sa paligid. Kitang-kita ko sa aking harapan ang isang simbahang nasusunog, nasa loob nito ang mahigit isang libong tao. “ Ang simbahan ng Cagsawa, nasusunog!”, sigaw ng isang batang karga ang bayong ng mga damit. Tila umuulan ng apoy at mga naglalakihang bato. Nilalamon ng apoy ang mga maliliit na kubo. Daan-daang tao ang naghihikahos, nagkukumahog sa pagtakbo ang mga pari, kasama doon si Padre Francisco Aragones- ang nagbansag ng Cagsawa sa simbahan na ang ibig-sabihin ay “kag”-nagmamay-ari at “sawa”- mga ahas, sa makatuwid, nagmamay-ari ng mga ahas.



‘Blaaaaaa-aaaaaaggg!…’ Bigla akong nagising dahil sa pagkakahulog ko sa aking kinahihigaan. Panaginip lang pala ang lahat! Hayyy… Tila isang bangungot, para ko na ring binalikan ang Pebrero 1, 1814 kung kailan sumabog ang Bulkang Mayon na nakapinsala ng milyon-milyong ari-arian, pumatay ng mahigit isang libo at limang daang katao at tinayang ika-lima sa pinakamatinding pagsabog mula noong taong 1616, at naging sanhi nga ng pagkasunog ng simbahan ng Cagsawa. Ang simbahang iyon ang naging dahilan kung bakit tinawag na Cagsawa ang lugar na iyon.


Hayyy… Muli kong buntong-hininga, ito marahil ang dahilan kung bakit may kumokontra sa isip ko sa tuwing iisipin kong perpekto ang Mayon. Sa likod pala ng napakagandang tanawin ay may lihim itong itinatago kaugnay ang Cagsawa.

***


Author: Kristine Mae Ledda

Follow your heart, but always bring your brain with you.

She is a BS Architecture student of University of the Philippines Diliman and a member of Iglesia Ni Cristo (Church of Christ).

Website - Twitter - Facebook- More Posts

Get regular updates straight from your Facebook and Twitter accounts with The Blog of Innocence: SilentVoice Points. Make sure that you keep informed about the latest happenings around you. Be a fan of VoicePoints page on Facebook. Join the online conversation of the people behind your history. Follow and get some tweet updates from @voicepoints on Twitter. Discuss and be a part of this changing world. We believe in your voice. We believe in you. Shout! Speak your mind! Join now! You have the right. You have the freedom!

Add your own Filipino-related works to our Media Gallery, News and Updates, and Stories. To submit, click this. We are looking for iamPINOY writers. iamPINOY writer is a volunteer position. To join, click this.

Need advertising partners? Email us now silentvoicepoints@yahoo.com.  Advertise with us!

0 comments:

Post a Comment

Follow by Email

Powered by Blogger.

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More